MANILA – Nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na wala pang inilalabas na guidelines ang pamahalaan ukol sa pinalawig na travel ban mula sa mga bansang may kaso na rin ng bagong variant ng COVID-19 virus.
“Yung doon sa sinabi ko na (the) President approved the travel ban from countries that have reported the UK variant, B117, but however I was expecting the guidelines to be released this morning, but hindi pa nare-release,” ani Duque sa isang press briefing.
“In principle pumayag na si Presidente.”
Nitong araw, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mga uuwing overseas Filipino workers lang ang exempted sa sinasabing travel ban.
Pero kumabig ang Health secretary matapos sabihin ng Malacañang na walang pang travel ban.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, highly recommended naman ang ban, pero wala pang dokumento sa panuntunan nito.
“Antayin po natin ang desisyon ng Presidente. Magpapalabas po ng something in writing ang Office of the President. Ang alam ko po, highly recommended ng IATF at ng DOH ‘yung travel bans sa mga bansa na meron nang new variants,” ani Roque sa Palace press briefing.
Sinabi rin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mga uuwing overseas Filipino workers lang ang exempted sa sinasabing travel ban.
Posibleng ngayong hapon daw ilabas ang guidelines, pero wala pa ring katiyakan kung tuloy ang implementasyon mamayang hatinggabi.
“It cannot be implemented unless the guidelines are already issued.”
“Yung mga naka-biyahe na, pagdating nila we will process and let them undergo strict 14 day quarantine, these are OFWs and returning overseas Filipinos.”
Batay sa dinelete na post ng Manila International Airport Authority (MIAA), 20 bansa, kabilang na ang United Kingdom, sa mga pinatawan ng travel ban papuntang Pilipinas.
Bukod sa variant ng virus na natuklasan sa UK, binabantayan na rin ng World Health Organization ang umano’y nadiskubre pang mutations ng SARS-CoV-2 sa iba pang bansa.