BAGUIO CITY – Hinangaan ni Senator Panfilo Lacson ang mayamang kultura ng Baguio City.
Nagsilbi ang senador bilang guest of honor and speaker sa pagdiriwang ng ika-110 na Baguio Charter Day nitong Linggo.
Pinuri ng mambabatas ang pagpreserba sa kultura at tradisyon ng Baguio City partikular sa pagkakakilanlan ng mga Igorots.
Kinilala nito na isa sa pangunahing ipinagmamalaki ng Baguio City ang pagiging Summer Capital of the Philippines nito at kilala din bilang City of Pines.
Inihayag ni Lacson na walang duda na milyong turista ang namamasyal sa Baguio City sa bawat taon.
Gayunpaman, hinamon ng senador ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan para agad silang gumawa ng solusyon sa mga problema ng Baguio City lalo na sa basura, trapiko, unti-unting pagkamatay ng mga pine trees at iba pang suliranin para mapanatili ang ganda ng lunsod.