-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Ipagpatuloy daw ng maybahay ang nasimulan ni Mayor Christopher “Amping” Cuan para sa bayan ng Libungan, Cotabato.

Ito ang nag-udyok upang pormal na maghain ng kandidatura bilang alkalde ng bayan ang maybahay ng yumaong si Mayor Amping na si Incumbent Councilor Apple Lumanlan-Cuan.

Naihain na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Cuan kasama ang line-up nito sa ilalim ng Nacionalista Party.

Ani Cuan, hangad nitong matupad ang mga naudlot na pangarap ng kanyang asawa para sa mga Libunganons.

Tatakbo naman sa pagka-bise mayor si incumbent Vice Mayor James Jimboy Fullecido.

Kabilang din sa kanilang partido sina Incumbent Municipal Councilors Nicobel Neri Jr., Hermie Mana-ay at Patricia Rose Pader; Brgy. Cabaruyan Chairman Joridine Bonao; Brgy. Demapaco Chairman Joseph Dante Develleres; Brgy. Gumaga Chairman Jose Diaz; Brgy. Poblacion Kagawad Virginia Licaros; at anak ni Board Member Mohammad Kellie Antao na si Wally Antao na tatakbo sa pagka-konsehal.

Matatandaan na patungo sana si Cuan sa iyang proyekto sa bayan ng Libungan kasama ang kanyang driver nang ito’y pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.