CAGAYAN DE ORO CITY – Iginiit ng Police Regional Office 10 na may sapat na basehan ang gobyerno para arestuhin ang tatlong babae na pinaghinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkaibang bahagi ng Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO-10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr na kabilang sa mga naaresto ng pulisya kasama ang militar ay sina Mary Jean Villados, 45 anyos, dating empleyado ng city hall ng Valencia City na umano’y maybahay ng isang nagpakilalang tagapagsalita ng CPP-NPA North Central Mindanao Regional Committee na si alyas Ka Malim Mabini; Cecilia Acenas,64 at Helen Coleta,66 na residente naman sa bayan ng Don Carlos,Bukidnon.
Inihayag ni Sabud na kaya inaresto ang mga ito ay dahil mayroong mga kaso na kinaharap sa magkaibang mga korte sa Mindanao.
Sinabi ng opisyal na bagamat walang kasalakuyang kaso na kinaharap si Villados subalit dahil sa umano’y narekober na mga pambasabog at kagamitan para sa kilusan ay mayroong kakaharapin an ito na atraso.
Inihayag ni Sabud na maaring nakaligtaan ng mga ito na aasikasuhin ang kanilang mga kaso dahil hirap sila makababa sapagkat malakas ang kampanya ng militar laban sa insurhensiya sa lugar.
Magugunitang nahaharap ng kasong murder at kidnapping sina Acenas at Coleta na umano’y nagawa nila noon sila ay nadestino pa sa Caraga Region.
Napag-alaman na biglang lumutang ang isang pagkilala na tagapagsalita ng CCP-NPA Bukidnon na si alyas Liyab at iginiit na bagamat na maybahay ni Ka Malim si Villados subalit mas pinili nito na mamumuhay na mapayapa pero pinilit pa rin umano ng mga otoridad na lagyan ng mga ebedenisya para gawing legal ang ginawa ang operasyon.