-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Immigration na nakaalis na sa bansa ang maybahay ni Atty. Harry Roque na si Mylah Roque.

Napatawan kasi ng contempt ng Quad Committee ng House of Representatives si Mrs. Roque kung saan pinapaaresto na rin ito dahil sa hindi pagtugon sa subpoena mula sa panel.

Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na mula pa noong Setyembre 3 ay wala na sa bansa si Mrs. Roque.

Lumabas lamang ang lookout bulletin sa kaniya ng BI noong Setyembre 16.

Ipinatawag si Mrs. Roque ng Quad Committee matapos ang madiskubre na ang pinirmahan niya ang lease agreement ng Chinese nationals na iniuugnay sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa Bamban, Tarlac.

Dagdag naman ni Sandoval na walang anumang departure sa kanilang record na nakaalis na bansa ang dating presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque kung saan noong Agosto 6 ng ilabas ang kaniyang immigration lookout bulletin.