Pumanaw na ang nabalong asawa ni WBC at WBA junior lightweight champion Gabriel “Flash” Elorde na si Laura sa edad 92.
Ayon sa kampo nito, hindi na nito nakayanan ang sakit nitong pneumonia at ito ay nalagutan ng hininga sa kaniyang bahay sa Sucat Road, Paranaque.
Dalawang beses na kinilala si Mrs. Elorde ng World Boxing Council (WBC).
Huling binigyan ng parangal ay noong 2018 sa 3rd WBC Women’s Convention and Asian Summit sa Philippine International Convention Center (PICC).
Dumalo ito sa 49th Annual WBC Convention sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas kung saan personal niyang tinanggap ang parangal para sa kaniyang yumaong asawa.
Itinuturing kasi si Elorde na pinakamatagal na junior lightweight world champion at naging unang Asian na kinilala sa New York-based International Boxing Hall of Fame noong 1993.
Pumanaw si ‘Flash’ Elorde noong 1985 sa edad na 49-anyos dahil sa lung cancer.