-- Advertisements --

Kabilang na rin si Maymay Entrata sa mga aktres na nagbabahagi ng sikreto sa matatag na long distance relationship (LDR).

Nitong nagdaang Valentine’s Day nang kumpirmahin ng 24-year-old actress na mayroon siyang boyfriend, bagay na ikinagulat ng ilan sa kanyang fans.

Ayon kay Maymay o Marydale sa tunay na buhay, “consistency is the (key)” kaya nagwo-work ang relasyon nila ng kasintahan.

Hindi na ito nagdagdag ng iba pang detalye kung saan dapat maging consistent.

Kung maaalala, nagbanta ng legal action ang aktres laban sa nagpakalat noon ng fake news na ang kanyang boyfriend ay isang scammer. Ang tinutukoy ay si Simon Leviev o mas kilala bilang Shimon Hayut na mas nakilala sa documentary na Tinder Swindler na ipinalabas sa Netflix.