-- Advertisements --

Bumili ang lungsod ng Maynila ng 2,000 vials ng remdesivir bilang gamot sa COVID-19 cases.

iskos 1
Isko Moreno

Sinabi ni Mayor Isko Moreno, na ang nasabing hakbang ay para mapalakas ang medical care sa mga mayroong mild, moderate at severe case ng COVID-19 sa kaniyang lungsod.

Ipapamahagi ang nasabing gamot sa anim na district hospitals sa lungsod.

Ipinagmalaki pa nito na nabili lamang nila ang nasabing gamot sa halagang P6,500 na mas malayo sa original price nito na P20,000.

Aprubado aniya ito ng Food and Drugs Administration (FDA) kung saan pinapabilis nito ang pananatili sa pagamutan ng isang pasyente na nadapuan ng COVID-19.