-- Advertisements --
Nagtabi ang Lungsod ng Maynila sa kanilang 2021 budget ng P200 million para pambili ng bakuna sa COVID-19.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang nasabing hakbang ay isang paraan ng lungsod para sa paghahanda nila ng pagtatapos ng virus.
Nakausap niya mismo si Vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doctor at ilang mga pharmaceutical companies kaya nagpasya sila na maglaan ng pondo.
Mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa mga pharmaceutical companies para malaman kung kailan makakakuha ng nasabing mga bakuna.
Paglilinaw ng alkalde na wala pa ngayong bakuna at naghahanda na lamang sila sakaling magkaroon na ng gamot.