-- Advertisements --
\
Ipatutupad ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ang water service interruption sa ilang bahagi ng Parañaque City sa Marso 14-17 dahil sa matagal na mataas na Raw Water Turbidity na dala ng hanging Amihan.
Ayon sa Parañaque Public Information Office (PIO), ilang mga barangay sa lungsod ang maaapektuhan ng water service interruption.
Ang mga barangay na makakaranas nito ay ang mga Barangay BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, San Antonio, at San Martin de Porres
Ipatutupad ang water service interruption simula alas-8 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga mula Marso 14 hanggang Marso 17.
Sa ngayon, nagpaalala ang Maynilad na hanggat maaari ay maimbak na ng tubig ang mga residenteng maaapektuhan ng water service interruption.