-- Advertisements --

Makakaranas ngayong ng water interruption ang ilang barangay sa lungsod ng Pasay at Quezon City simula ngayong araw batay sa abiso ng Maynilad Water Services Inc.

Magsasagawa kasi ang naturang kumpanya ng kanilang maintenance activities sa kanilang mga linya ng tubig.

Aaabot sa tatlong barangay sa lungsod ng Pasay ang maaapektuhan partikular na ang Barangay 76 hanggang 78.

Magkakaroon ito ng leak repair sa may bahagi ng FB Harrison sa tapat ng Pasay Pumping station.

Magsusimula ang pagsasaayos sa naturang leak pagsapit ng alas 8 ng gabi ngayong araw at magtatapos ng alas 8 ng unaga bukas.

Pagsapit naman ng Hunyo 13 at 14 ng umaga ay magkakaroon rin ng water interruption sa may bahagi ng Barangay Gulod, Nova Proper, at Sta. Monica sa Quezon City.

Ito ay dahil sa isasagawang audit sa bahagi ng Quirino Highway at sa may bahagi ng Susano Road sa Novaliches.