Pinatawan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ng multa na mahigit P2 million ang west zone concessionaire na Maynilad Water Services Inc. dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig sa ilang barangay sa lungsod ng Caloocan.
Ang naturang multa ay babayaran ng Maynilad sa pamamagitan ng rebates sa buwanang bill sa kuryente ng kabuuang 3,841 kustomer nito sa apektadong mga lugar sa lungsod.
Ang bawat kustomer ay makakatanggap ng rebate na P530.69 simula sa Hulyo.
Nag-ugat ang penalty matapos na ang failure sa Total Coliform sa Regulatory Sampling Point (RSP) na sinusuplay ng Caloocan Pumping Station and Reservoir (PSR).
Sa panig naman ng Maynilad, sinabi nito na kinikilala nila ang naging desisyon ng MWSS-RO kasabay ng pagtiyak na agad nilang tinugunan at naresolba ang naturang insidente.
Samantala, sinabi naman ng Maynilad na isolated case lamang ang naturang isyu sa kalidad ng tubig. Nanindigan din ito na nananatili nilang prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang kustomer at integridad ng suplay ng tubig.