Nagsimula nang gumamit ang water concessionaire na Maynilad ng satellite imagery at artificial intelligence o AI sa pag-detect ng underground pipe leaks.
Nakipagkasundo ang West Zone concessionaire sa isang satellite-based infrastructure intelligence company na siya ring gumawa ng mga teknolohiyang layong ma-detect ang tubig sa ibang planeta.
Ayon sa Maynilad, layon nilang mabawasan ang network losses at maka-recover ng mas maraming supply ng tubig para sa distribusyon nito.
Naglalabas daw ng impormasyon ang AI algorithms sa pamamagitan ng Geographic Information System kung saan nakasaad ang lokasyon ng underground pipe leaks na magiging daan umano para mapabilis ang proseso ng water concessionaire sa pagsasaayos ng underground leaks.
Sa isang taong pilot use nito, 1,000 kilometrong primary lines na sa West area ang tinitingnan ng Maynilad sa mga posibleng underground leaks.