Patuloy ang pamunuan ng water concessionaire na Maynilad sa pagpapatibay at pagawa ng mga kaukulang hakbang upang makapagbigay sila ng maayos ng serbisyo at suplay ng tubig sa mga customers nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua, kabilang sa kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagpapalawak ng new water o recycled used water.
Sa ilalim ng prosesong ito ay ginagawang malinis at inumin ang mga gamit nang tubig.
Bukod dito ay wala rin silang patid sa pag upgrade ng mga treatment facilities na kinabibilangan ng silt curtain sa Putatan WTP at iba pa.
Gumagamit na rin sila ng satellite imager maging Al technology upang matukoy kung aling linya ng tubig ang mga leak.
Aabot naman sa apat na dam ang kanilang minomonitor sa lalawigan ng Cavite na maaaring mapagkunan ng supply ng tubig na tutugon sa mataas na demand nito.