Tuloy na tuloy ang national at local elections sa susunod na taon kahit mayroong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa katanuyan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec), mayroon nang tentative date ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8, 2021.
Sinabi pa ni Comelec Chairman Sherif Abas sa isang virtual press briefing ngayong Huwebes, mandato raw ng Comelec na magsagawa ng halalan sa Mayo 2022.
Sa ngayon, tuloy-tuloy daw ang paghahanda ng Comelec sa halalan at inihahanda na rin ang calendar of activities.
Mananatili namang automated ang halalan maliban na lamang kapag mayroong bagong batas kaugnay rito.
Ang mga lumang vote counting machines (VCM) naman mula sa Smartmatic ang May 2022 polls.
Nagpapatuloy pa rin naman ang registration sa papalapit na halalan at magtatapos sa Setyembre 30, 2021.