-- Advertisements --

Idineklara ng Malacañang bilang national holiday ang Mayo 3, 2022 bilang obserbasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr.

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos na magkaroon ng bahagyang kalituhan.

Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr.

Naidedeklara kasi ito ng mga Muslim leaders sa pamamagitan ng tradisyunal na moon-sighting ceremony sa ika-29 araw ng Ramadan.

Ang pagkita ng bagong buwan ay siyang nangangahulugan na ang susunod na araw ay siyang Eid.

Kapag walang nakitang buwan ay kailangan pang mag-fasting ng isang araw ang mga Muslims para makumpleto ang 30 araw.