-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ilang mataas na aktibidad ang naitala sa Bulkang Mayon sa mga nakalipas na oras.

Sa latest volcano bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagkaroon ng 16 pagyanig at anim na rockfall events ang nasabing bulkan.

Napag-alaman na nasa abnormal na lebel ang buga ng asupre sa Mayon matapos ang pinakahuling pagsukat noong Hunyo 14 sa 680 tonelada sa loob ng isang araw.

Nagkaroon naman ng kaunting pamamaga sa ilang bahagi ng bulkan batay na rin sa datos mula sa precise leveling at Global Positioning System.

Samantala, nananatiling nasa Alert Level 2 status o Moderate Level of Unrest ang Mount Mayon.