-- Advertisements --
Nakapagtala ang Phivolcs ng panibagong phreatic eruption sa Mayon volcano na matatagpuan sa Albay.
Ayon sa ulat, umabot ito ng isang minuto.
Nabatid na umabot ang steam plume sa 300 metrong taas at may katamtamang pagsingaw na napadpad sa gawing silangan ng bulkan.
May nakita ring ground deformation sa mismong physical structure ng Mayon.
Kasunod niyan, nagkaroon ng pa sulfur dioxide flux (SO2) ng nasa 598 tonelada kada araw mula noong Agosto 20.
Hindi naman inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na maulit pa ang mahihinang pagputok ng bulkan sa mga susunod na araw.
Ang Mt. Mayon ay nananatili sa alert level 1.