-- Advertisements --

Magsasagawa ng closing concert ng kanilang ika-20 taon anibersaryo ang Pinoy alternative rock band na Mayonnaise.

Gaganapin ang nasabing concert sa darating na Mayo 20 sa Quezon City Circle.

Ang konsiyerto na pinamagatang “Mayo 20: The Finale” ay inaasahang mapupuno ng mga kanta ng banda sa loob ng 20 taon.

Sinabi ng kanilang frontman na si Monty Macalino na hindi ito makapaniwala na naabot nila ang nasabing taon at naging mainit pa rin ang suporta ng kanilang mga fans.

Mula pa noong nakaraang taon ay nagsimula silang magsagawa ng mga serye ng konsyerto sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Makakasama nila sa paparating na konsiyerto ang ilang mga singer gaya nina Barbie Almabis, Champ Lui Pio ng Hale, Sud BAllecer, Argee Guerrero ng I Belong To The Zoo at Josh Villena ng Autoletic.