-- Advertisements --
Walang plano ang bandang Mayonnaise na tumigil sa pagtugtog.
Ayon sa kanilang frontman na si Monty Macalino, na kahit na nakakadama sila ng pagkapagod ay tuloy pa rin ang kanilang pagpapaligaya sa kanilang fans.
Dagdag pa nito na naging matindi na ang samahan nila ng kaniyang grupo sa loob ng dalawang dekada
.
Magpapatuloy din ang kanilang paggawa ng mga makabagong kanta para sa kanilang mga fans.
Ang banda ay siyang nagpasikat ng mga kanta gaya ng “Jopay”, “Tayo Na Lang Dalawa”, “Bakit Part2” at maraming iba pa.