-- Advertisements --

Nakalista na sa lookout bulletin ng Bureau of Immigratioins si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at 17 iba pa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco . na kanila ng natanggap ang tatlong pahinang immigration lookout bulletin order (ILBO) mula sa Department of Justice.

Hiniling ng DOJ ang lookout order dahi sa bigat ng kaso laban kay Guo at iba kung saan hindi malayong sila ay magtutungo na sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng ILBO, ang mga immigration officers ay mag-do-double check sa mga taong nakalista o may mga nakabinbin na warrants.

Dagdag pa ni Tansingco na naka-encode na sa kanilang system ang nasabing alert.