Nakatakdang magsampa ng kasong kriminal ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga susunod na araw.
Ito ay matapos makahanap ng ebidensiya ang ahensiya sa pagkakasangkot ng alkalde sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kaniyang hurisdiksiyon.
Kaugnay nito, ayon kay Philippine Offshore Gaming Operators (POGO magpupulong ang inter-agency body sa susunod na linggo para pagpasiyahan ang mga kasong inihain laban sa alkalde na kasalukuyang iniimbestigahan ang nasyonalidad at pagkatao dahil sa mga butas na nakita sa kaniyang mga dokumento.
Inaasahan naman na ihahain ang kaso sa Department of Justice sa Hunyo 21 ng kasalukuyang taon.
Ayon sa PAOCC official, may nakitang maraming mga dokumento na may pangalan at lagda ni Mayor Guo sa kanilang imbestigasyon. Ang PAOCC ang siyang responsable sa paghalugad sa POGO compound na itinayo sa property na dating pagmamay-ari ni Guo.
Una na ring lumabas sa isinagawang raid ng PAOCC at imbestigasyon ng Senado na dating nakikipagnegosyo si Mayor Guo sa Chinese firms na sangkot sa POGO operations sa Bamban na patuloy na nag-ooperate kahit pawalang kaukulang government permits.