VIGAN CITY – Pinagtibay ng Malacañang ang pagkakasuspinde ng mag-asawang alkalde at bise alkade sa bayan ng Lagayan, Abra dahil sa ‘di umano’y maanomalyang road project sa nasabing lugar.
Sa impormasyong nakarating sa Bombo Radyo Vigan, una nang pinatawan ng aangguniang panlalawigan ng Abra sina Mayor Jendricks Luna at Vice Mayor Chrisma Luna ng tatlong buwan na prevention suspension noong Disyembre noong nakaraang taon dahil sa nasabing isyu, at karagdagang anim na buwang suspension na naman noong Enero ng kasalukuyang taon.
Ang nasabing order ay ipinataw ng sangguniang panlalawigan ng Abra na pinangungunahan ni Vice Governor Ronald Balao-as basi na rin sa imbestigasyon nila sa kasong dishonesty at grave misconduct na isinampa ni Lagayan, Abra sangguniang bayan member Noel Cortez laban sa mag-asawa.
Napag-alaman na ang incumbent mayor ng Lagayan ay re-electionist sa nasabing posisyon sa darating na May 13 midterm elections.
Sa ngayon ay sinisikap ng Bombo Radyo na makunan ng statement ang mag-asawa hinggil sa nasabing isyu.