Kasong plunder at graft ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kina San Pedro Mayor Art Francis Joseph Mercado at Vice Mayor Divina Olivarez
Bukod kina Mercado at Olivarez, kinasuhan din ni Councilor Carlon Ambayec ang siyam na iba pang konsehal ng lungsod.
May kinalaman ang reklamo sa pag-authorize daw ng mga nabanggit na elected officials sa pagbili ng city government ng 12,274 square meters na lupain na nagkakahalaga ng P73.6-Million sa Barangay Laram, nang walang kaukulang legal proceedings.
Bukod sa overpriced aniya ito, wala ring relocation plan para sa informal settlers na nakatira sa lupain.
Bigo rin aniya sina Mercado, Olivarez at city councilors na mag-appointment ng board of assessors na siya sanang mag-a-assess sa acquired property , bukod sa wala itong ginawang annual investment plan.
Hindi rin aniya nagdeklara si Mercado kung ano ang itatayo sa biniling overpriced na lupain.