-- Advertisements --
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na patong-patong na kaso ang isinampa ng Department of Justice (DoJ) laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, na sinasabing mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Una rito, sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na dalawang counts ng murder at anim na counts ng attempted murder ang isinampa laban kay Baldo at iba pang kasabwat nito.
Ang mga kaso ay isinampa sa Legaspi Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga.
December 22, 2018 nang inambush si Batocabe kasama ang police escort nito.
Si Baldo na dapat sanang katunggali ni Batocabe sa mayoralty race, ang itinuturong may pakana ng pananambang.
Pero mariin naman nitong itinatanggi ng alkalde.