-- Advertisements --

Binatikos ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dinadala nito ang bansa pagiging abusadong gobyerno.

Ito ang naging laman ng talumpati niya sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban.

Sinabi nito na tila nauulit ang ginawang pang-aabuso sa kapangyarihan ng ama ng pangulo na si dating President Ferdinand Marcos Sr.

Imbes aniya na pasulong sa magandang pamumuno ay tila bumabalik sa mapangmalabis at mapang-abuso na pamamahala.

Una rito ay inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pres. Marcos na gumagamit umano ng iligal na droga.