-- Advertisements --

Pinangunahan ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang Mass Oath-Taking Ceremony ng lahat ng Barangay Elective Officials sa Davao City.

Ito ay ginanap sa Davao City Recreation Center o dating kilala bilang Almendras Gym na matatagpuan sa Quimpo Boulevard sa lungsod.

Ang oath taking ay dinaluhan ng mga nanalong Kapitan at Kagawad sa Barangay at Sanguniang Kabataan Election na ginanap noong Oktubre 30 ng taong ito.

Sa katunayan, dumating si Mayor Baste Duterte alas-dos ng hapon at pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng barangay mula sa 182 barangay sa lungsod.

Sa mensahe ni Mayor Baste Duterte ay pinaalalahanan nito ang mga nanumpang opisyal na dapat unahin ang kapakanan ng nasasakupan bago isipin ang sarili kung saan tinawag niya itong selfless disposition.

Dagdag pa nito sa kanyang talumpati na ang pulitika ay isang sports lamang, ang mahalaga lang ay ginagawa ng isang opisyal ng maayos ang kanyang tungkulin.