-- Advertisements --

“GENUINELY SORRY” – yan ang binitiwang salita ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa isang netizen na sinasabing nakasagutan at napahiya sa social media dahil sa pagrereklamo nito hinggil sa emergency water service interruptions na nararanasan dito sa Davao City nitong nakalipas na linggo.

SUNDAY VIBES

Kinumpirma ng alkalde na dahil sa nangyari, maraming Dabawenyo ang nagreport sa kanya sa “8888” hotline. Ang hotline na kung saan ay pwedeng magreport, magreklamo at magpahayag ng suhestyon ang publiko laban sa isang ahensya at kawani ng gobyerno.

Maalalang, nag viral sa social media ang screenshot na may caption na “sunday vibes” kung saan nagkasagutan sila Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte at Tiara Ramboanga matapos na mag reklamo sa messenger nito si Ramboanga dahil sa emergency water service interruptions sa syudad.

Nag suhestyon pa si Ramboanga na tanggalin na lamang ang tourism slogan na “Davao Life is Here,” dahil umano sa pagkukulang nito na maaksyon ang problema sa tubig. Dagdag pa, na hindi na umano “livable” ang lungsod mula ng umupo bilang alkalde si Sebastian ‘Baste’ Duterte. Kaagad naman humingi ng patawad sa alkalde ang nakasagutan nitong si Tiara Ramboanga at nagkaayos naman ang dalawa.