-- Advertisements --

JB4 1

Nananawagan ngayon sa national government ang Quezon City government partikular kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez na maglaan o bumili na ng dagdag na bakuna at isama na sa alokasyon ang mga bata.

Ang pahayag ni Mayor Belmote ay kasunod sa naging pahayag ni Sec Galvez sa House of Representatives kahapon na target ng pamahalaan na na taasan ang vaccination hanggang 90% sa buong populasyon para makamit na ang herd immunity lalo at mataas pa rin ang banta ng Delta variant.

Kinumpirma naman ng alkalde na batay sa report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) as of September 8,2021 nasa mahigit 12,608 minors sa siyudad ang nag positibo na sa COVID-19 na may edad 0 hanggang 17 years old.

Binigyang-diin ni Belmonte, ang pagsama sa mga bata sa vaccination program at crucial lalo at 30% sa populasyon ng siyudad ay binubuo ng mga minors.

Kahapon nasa 122 residents kabilang ang mga bata sa Gentle Hands Orphanage ang nagpositibo sa Covid 19 kung saa 23 mula sa staff habang 99 na mga bata.

Binigyang-diin ni Mayor Joy na nakahanda ang city government ng QC na simulan ang kanilang pagbabakuna sa mga bata sa sandaling matanggap na nito ang guidelines o go signal mula sa national government.

“We understand that there is a vaccine shortage at the moment but once our country gets a regular supply of vaccines with FDA approval for vaccinating 17 and below we should consider this right away. We need to protect our children given that they are directly or indirectly exposed,” pahayag ni Belmonte.

Sa ngayon nasa 1,327 ang active cases sa siyudad mula August 26 hanggang September 8.

Sa nasabing bilang 48 cases dito ay mga sanggol na wala pang isang taon; 597 naman ay may edad isang taong gulang hanggang 10 years old at 682 ay may edad 11 hanggang 17 years old.

“Sa ngayon, habang naghihintay tayo ng rekomendasyon mula sa national government, patuloy nating pinapalawak ang COVID response ng lungsod, noting efforts such as expanded isolation facilities for children and families and expanded swab testing,” dagdag pa ni Mayor Belmonte.

Sa kabilang dako, umabot na sa mahigit 2.7 million doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program batay sa inilabas na datos ngayong araw ng Quezon City government.

Higit 1.7 o 102.61% ng 1.7 Million na target adult population ang nabakunahan na ng first dose, habang mahigot 1 million o 63.08% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, 1,106,962 million o 65.12% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated.

Kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Samantala, nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas ang 53 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at Hindi buong buong barangay.