-- Advertisements --

Kinondina ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pagpaslang sa isa nilang pulis at ang asawa nito.

Sinabi ng alkalde na kaniyang inatasan ang mga kapulisan nito para maresolba ang pagpaslang kay Police Captain Aminoden Mangonday at asawa nitong si Mary Grace.

Ang mga biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Alabang, Muntinlupa City ng pinasok sila ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril.

Maging ang 12-anyos na anak nilang babae ay binaril din na nasa malubhang kalagayan.

Ayon sa PNP Muntilupa na mayroon na silang suspek kung saan ang isa sa mga mga nakita nilang motibo ay personal na alitan.