DAVAO CITY – Naka-isolate ngayon si Digos City Mayor Josef Fortich Cagas matapos itong nagpositibo sa COVID-19.
Una ng kinumpirma ng City Information Office sa lalawigan na nahawa sa virus ang Mayor matapos na ma-expose ito sa isang tao na infected sa virus ito ay base sa inilabas na resulta sa swab test nito.
Sa kasalukuyan, nagsagawa na ang City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) ng contact tracing sa mga huling nakasalamuha ng Mayor.
Nanawagan rin ang ahensiya sa mga nakasama ng Mayor mula noong Marso 17 na makipag-ugnayan sa city health officials para sa assessment.
Kahit ang nasabing petsa ay lampas na sa 14-day incubation period, kailangan pa rin ito na isailalim sa check-up para masiguro ang kaligtasan.
Kung makakaranas umano ng mga sintomas gaya ng Covid-19, mas mabuti umano na makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na health center.
Sa kasalukuyan, nasa hindi pinangalanan na hospital ang Mayor at patuloy na inoobserbahan ang kanyang kondisyon.