-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nilinaw ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni the late Negros Oriental Governor Roe Degamo nan ais niya din na matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taong 2023.

Ito ang inihayag ni Mayor Degamo sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Degamo, kabilang siya sa siyam (9) na mga chief executives sa Negros Oriental na pabor sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan eleksiyon sa buwan ng Oktubre ngunit isa o dalawang buwan lamang.

Kailangan din umanong ituloy ang eleksyon dahil matagal nang hindi natutuloy dahil sa palaging pagpapaliban nito.

Ang nais lamang umano niya ay masiguro ang peace and order sa kanilang lugar at maiwasang muli ang pagdanak ng dugo o anumang mga karahasan.

Samantala, nagbigay umano ng pag-asa sa kanilang pamilya ang paglabas ng Resolutionno. 43 ng Anti terrorism council na nagdedeklara na terrorist ang Teves group kanilang na si suspended Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves at ang kapatid nitong dating gobernadora ng nabanggit na probinsiya.

Umaasa naman si Degamo na mabibigyan ang kanilang pamilya ng pagkakataon na makuha ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang asawa at iba pang nagbuwis ng buhay sa nangyaring Pamplona massacre.