LEGAZPI CITY – Kakaibang proklamasyon ang nangyari sa bayan ng Jovellar, Albay matapos na pumanaw ang nahalal na alkalde bago pa man ang May 9 polls.
Iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers si Boy Arcangel bilang mayor-elect kahit pa taong 2021 pa ito pumanaw.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay COMELEC Jovellar election officer Mario Hernandez, hindi naman tinanggal sa balota si Arcangel habang wala rin itong katunggali sa naturang posisyon.
Kahit pa namatay na ito, nakakuha pa rin ng botong 6,905 mula sa mga constituents.
Tumakbong independent candidate si Arcangel kaya’t hindi rin naging posible ang substitution sa kaso nito noon.
Samantala, ipinapaubaya na lamang ni Hernandez sa Department of Intrerior and Local Government (DILG) ang kaukulang isasagawang hakbang para sa naiwang posisyon ni Arcangel.