-- Advertisements --

Pinasalamatan ni suspended Bamban Mayor Alice Guo ang kaniyang mamamayan na bumati sa kaniyang ika-38 na kaarawan nitong Biyernes.

Idinaan nito sa internet ang nasabing mensahe kung saan sinabi niya na hindi ito nagsisisi na pumasok sa pulitika.

Dagdag pa nito na labis na ito ng nasasaktan sa nangyayari ngayon kung saan halos mawala na ito sa sarili.

Humingi din ito pangunawa sa mga nadadawit sa isyu at nakiusap siya na huwag ng magpakalat ng mga fake news ukol sa kinasasangkutan niya.

Giniit nito na siya ay Pilipino at ang lahat aniya na nangyayari sa kaniya temporaryo lamang.

Magugunitang suspendido ang alkalde matapos ang ginagawang Senate investigation ukol sa kinasasangkutan nitong iligal na Philippine offshore gaming operations (POGO) sa bayan niya.