-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa mga health center ng lungsod para mabakunahan laban sa pertussis o mas kilala sa tawag na whooping cough.
Hinikayat ito ni Lacuna-Pangan sa gitna ng mga ulat mula sa Department of Health (DOH) na mahigit 800 kaso ng sakit ang naitala na mula Enero 1 hanggang Marso 31.
Sinabi ng alkalde na ang pagbabakuna ay maaaring ma-avail ng libre sa 44 na health centers ng lungsod, na nasa ilalim ng Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold Pangan.
Dagdag pa ni Lacuna, pinoprotektahan din nito ang mga bata laban sa iba’t ibang uri ng sakit.