-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala umanong plano si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na magsampa ng kaso laban sa online news outlet na Rappler dahil sa “misquoting” sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa news article na ginawa ng Rappler noong 2016, sinabi ng online news outlet na ayon kay Pangulong Duterte “nababaliw” daw ang anak nito sa sasakyanan na ibinigay sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy.

Binigyan kasi ni Quiboloy, founder ng religious group Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc., si Pangulong Duterte ng Nissan Safari at Ford Expedition.

Ngunit sa report na inilabas ng Rappler, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang sinubukan na ibalik ang isa sa dalawang sasakyan pero pinigilan daw siya ni Mayor Inday dahil gusto umano nito ang nasabing sasakyan.

Ngunit ang nasabing artikulo ng online news outfit at ang pahayag ng kanyang ama ay mariing itinanggi ni Mayor Inday at sinabing wala siyang nakita na sasakyan na binigay ni Quiboloy.

Malinaw rin na ang nasabing artikulo ng rappler ay isa lamang “journalistic mishap.”