DAVAO CITY – Nagbigay ng kanyang pahayag si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio patungkol sa lumalabas ngayon na impormasyon na magtatandem sina Senator Christopher Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 National Election.
Una nito, humingi pa ng tawad ang akalde sa kanyang ina patungkol sa kanyang inilabas na pahayag kung saan kanyang sinabi na una na umanong ipinaalam sa kanya ng kanyang ama na tatakbo ito bilang bise Presidente at Sen. Bong Go ang makakatandem nito bilang Pangulo.
Dagdag ng alkalde na natakatanggap siya ng sulat mula sa President for consideration kung saan laman ng unang sulat ang nagsabi kung bakit kailangan nitong e-endorso ang Go-Duterte tandem habang ang isa ay nagmungkahi na magiging ka-tandem niya bilang Bise Presidente si Bong Go.
Ayon kay Mayor Inday, kung magdedesisyon sina Pangulong Duterte at Go mas mabuti umanong ipaalam nila ito sa publiko.
Mas mabuti na mag-presenta ang dalawa kung ano ang maibibigay nila sa bansa at paano nila matutulongan ang mga filipino.
Pinayuhan rin ng Mayor ang dalawa na huwag siyang isali sa mga usapan nila at gawin siyang rason para tumakbo at hindi tumakbo ang mga ito sa darating na eleksiyon.
Dapat rin umanong hindi siya ang sisihin ni Senator Pimentel at Ronwald Munsayac kung ano man ang sinapit ng kanilang partido at hindi umano niya kasalanan kung hindi nakatanggap ng respeto mula sa mayorya ang mga ito mula sa partido na kanilang kinabibilangan.
Sinabi rin ni Mayor Inday na hindi siya “Last Two minutes” person at iniiwasan muna niya ngayon na maging political punching bag sa isang partido na hindi organisado.