-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling nagpahayag nang pasasalamat si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa mga nagpadala sa kanya ng mensahe at nagdasal para sa kanyang agaran na paggaling matapos magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Inday kahit na naka-quarantine siya sa kasalukuyan, nabasa umano niya lahat ng mga pinadalang mensahe.

Ito umano ang nagpatatag sa kanya lalo na at hindi mawalay din sa kanyang pamilya matapos sumailalim sa quarantine.

Dagdag pa ng alkalde, magandang inspirasyon ang pagmamahal na ibinigay ng kanyang mga supporters dahilan kaya nagpapasalamat siya sa mga ito.

Nabatid na una ng kinumpirma ni Mayor Inday na nagpositibo ito sa virus sa nakaraang Sabado.

Sa nakaraang Oktubre 5 ay nakansela ang medical leave nito matapos na isa sa mga kasamahan nito ang nagpositibo sa COVID-19.