-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa sumailalim siya sa drug test at negatibo umano ang resulta nito.
Sinabi ng alkalde na boluntaryo niyang ginawa ang nasabing hakbang at dahil na rin sa kahilingan ng Uniteam partner na si dating Senator Ferdinand ‘Bongbong; Marcos at bilang panawagan ng transparency sa mga public officials at para maibigay ang tiwala ng mga Filipino.
Pinaninindigan ng Uniteam BBM-Sara ang pakikipaglaban laban sa illegal drugs at kailangan ng mas epektibong mga hakbang para maiwasan, magpatupad ng rehabilitation, at enforcement laban sa illegal na druga.
Kung maalala, nag-negatibo rin sa illegal drugs si Bongbong matapos na sumailalim rin ito sa drug test.