-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nakahanda umano ang mga personahe ng Davao City Police Office (DCPO) sa pagpapatupad ng seguridad lalo na at nananatili ang lungsod sa General Community Quarantine Classification hanggang Disyembre 30, 2020.
Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi na mananatili ang Davao sa GCQ dahil sa mataas na bilang ng mga nagpositibo sa covid-19.
Mas mahigpit ngayon ang seguridad sa mga checkpoints lalo na ang pag-scan ng mga QR code.
Samantalang sinabi rin ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na bago pa man ang naging anunsiyo ni Pangulong Duterte inaasahan na niya na mananatiling GCQ ang lungsod lalo na at hindi pa natapos 14 day na target para malaman ang status ng Covid-19 sa siyudad.