-- Advertisements --
Maaga pa lamang inayos na rin ni Manila Mayor isko Moreno ang kanyang dokumento bilang paghahanda sa filing ng kanyang COC sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa.
Kinumpirma ng kanyang kampo na pinirmahan na kanina ng alkalde ang kanyang COC sa harap ng kanyang abogado na si Atty. George Garcia, Atty. Cris Tenorio at campaign strategist Lito Banayo.
Sinasabing posibleng maghain ng COC sina Mayor Isko at kanyang ka-tandem na si Dr. Willie Ong sa darating na Lunes, Oktubre 4.