-- Advertisements --

Hindi na nagpaawat si Manila City Mayor Isko Moreno na batikusin ang ilang opisyal ng gobyerno dahil sa mahinang paglaban umano sa COVID-19 pandemic.

Sinabi nito na matagal na nitong pinipigilan ang sarili subalit napupuno na raw ito dahi sa tila marami sa mga opisyal ng gobyerno ang nagbibingihan at nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari.

Nanawagan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maaari ay tanggalin na ang mga opisyal ng gobyerno na walang malasakit umano sa kapwa.

Magugunitang itinuturing ng Palasyo na ang mga batikos ng alkalde bilang pamumulitika dahil sa sinasabing tatakbo ito sa mataas na posisyon sa gobyerno sa darating na 2022 elections.