-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno sa mga pulitikong nagsisimula ng umikot at bumuo ng samahan para sa nalalapit na halalan.

Sinabi nito na hindi pa ito ang tamang panahon para magpakuha ng larawan, makipag-alyansa sa mga pulitiko.

Bagamat may usap-usapan na tatakbo siya sa mataas na posisyon ay hindi pa nito niya ngayon ito binibigyan ng pansin.

Malalaman na lamang sa buwan ng Oktubre kapag magsimula na ang paghahain ng mga certificate of candidacy.

Iginiit pa ng alkalde na hindi ito takot sa sinumang pulitiko dahil sa serbisyo publiko ang pinag-uusapan sa ngayon.