Desidido si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, na ibalik sa lahat ng paaralang ng lungsod ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) program.
Sa ginawa niyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at Manila Division of City Schools (MDCS) officials, ibinahagi nito ang kahalagahan ng nasabing programa sa mga kabataan.
Napapanahon na ibalik sa mga kabataan ang paggalang at pagmalasakit sa isa’t-isa.
Magsasagawa aniya siya ng information dissemination effort gaya ng mga seminars para sa GMRC program sa mga mag-aaral at guro.
Bukod sa panunumbalik ng GMRC ay handa ring pondohan ng City Government ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) program para sa senior high schools sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming Science at Math laboratories.
Magugunitang binabalangkas na ng national government ang implementing rules and regulations para sa implementasyon ng Republic Act No. 11476 o kilalang GMRC and Values Education Act para sa bansa.