-- Advertisements --
Screenshot 20211004 123337 Video Editor

Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 national at local elections.

Dakong alas-11:34 ng umaga nang dumating si Mayor Isko sa area ng filing ng COC.

Kasama ni Moreno ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong na tatakbong bise presidente.

Sa labas ng Sofitel hotel ay naghihintay naman ang mga supporters ng alkalde pero dismayado ang mga ito dahil hindi sila sinipot para raw kawayan man lang.

Gayunman, naniniwala naman ang mga itong kayang gawin ni Mayor Isko sa buong bansa ang ginagawa niyang mga proyekto sa lungsod ng Maynila lalo na sa COVID response.

“Mga kababayan, tanggapin ninyo ang aplikasyon ko,” ani Domagoso na siyang standard bearer ng Aksiyon Demokratiko. “Ako po ay magiging kaisa ninyo, kaisa ninyo upang mapigilan ang pagkakahati-hati natin bilang mamamayan. We are too divisive and indecisive… Today will be part of history and I hope it’s destiny.”

Screenshot 20211004 123231 Video Editor

Nasa area rin ang senatorial bet na si Samira Gutoc para ipakita ang suporta sa alkalde.