-- Advertisements --

Itinuturing ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na isang malaking karangalan namapili bilang pangulo ng political party na Aksyon Demokratiko.

Naging miyembro kasi ng partido ang alkalde noong Agosto 5 at nitong Martes ng gabi ay napili siya bilang pangulo ng partido matapos ang ginanap na general membership meeting.

Sinabi ni dating Secretary General at bagong Chairman ng partido Ernest Ramel na pumasa si Domagoso sa aspeto at isip ng kanilang partido.

Isa na dito ang paglaban sa COVID-19, pagprioridad sa edukasyon, housing at health care.

Sa ngayon aniya sinabi ni Ramel na hindi pa prioridad ng Manila mayor ang 2022 election dahil abala ito sa paglaban ng COVID-19 sa sinasakupan nitong lungsod.