-- Advertisements --

Bukas si Manila City Mayor Isko Moreno na magkaroon ng joint oil exploration sa China kung sakaling ito ay manalo sa pagkapangulo.

Sinabi ng pambato ng Aksyon Demokratiko, ang pondo na makukuha sa oil exploration ay magagamit para mapababa ang presyo ng suplay ng kuryente sa bansa at mapalakas ang maritime assets.

Dagdag pa ng alkalde, walang engineering facility ang bansa para maghukay ng langis kaya makikihukay na lamang ang Pilipinas sa kanila sa pamamagitan ng mga private sectors.

Sakaling makakuha ng langis ay ibebenta ang kalahati nito sa mga oil companies ng bansa para mapababa ang presyo ng kuryente.

Paliwanag pa ng alkalde na handa itong makisama sa ibang bansa basta hindi magiging agrabyado ang Pilipinas.