-- Advertisements --

Hinamon ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng mga tumatakbo sa pagkapangulo na sumailalim sa drug-test na isasagawa ng gobyerno.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo ang gumagamit umano sa iligal na droga partikular na ang cocaine.

Dagdag pa ng alkalde na bilang isang kandidato sa pagkapangulo ay walang problema sa kaniya kapag ito ay sumailalim sa drug test.

Nakakasiguro ito na hindi siya nakatikim ng iligal na droga sa buong buhay niya.