-- Advertisements --
Nakaranas ng kawalan ng pang-amoy at panlasa si Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso.
Sa inilabas na medical bulletin ni Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla na nakaranas lalo ng sintomas ng COVID-19 ang alkalde sa ikalimang araw nitong pananatili sa pagamutan.
Wala na rin aniya itong nararanasan na pananakit ng katawan.
Bumuti rin aniya ang kaniyang vital signs at walang anumang nakitang problema sa resulta ng kaniyang X-ray.
Magugunitang noong Agosto 15 ng itakbo sa pagamutan ang alkalde matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19.
Nakalabas na rin sa pagamutan ang alkalde nito na si Honey Lacuna-Pangan na naunang nakaranas ng sintomas ng COVID-19.