Pinuna ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga panawagan sa social media sa pag-atras na ng kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.
Tinawanan na lamang ng alkalde ang nag-trending na #WithdrawIsko at nagbiro pa ito na parang pinapa-withdraw ng kaniyang sahod.
Dagdag pa ng alkalde na karapatan nitong tumakbo at ang demokrasya ay pag-aari ng lahat.
Hindi rin nito pinalagpas na batikusin si Vice President Leni Robredo na unang nanawagan ng pagkakaisa ng mga opposition subalit nang maghain ng kandidatura sa pagkapangulo ay hindi ang kaniyang partido na Liberal ang inilagay at sa halip ay independent.
Sinabi ng alkalde na ang ang ginawa na ito ng vice president ay hindi matatawag na pagkakaisa dahil sa pag-iwan nito ng sariling partido noong maghain ng kandidatura.